Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Ang mga Larong Pinoy ay uri ng libangan na naimbento ng mga bata noon. Madalas nilalaro ito sa labas ng bahay o sa mga kalsada. Ito ay mga laro kung saan mas masaya kapag maraming manlalaro. Ang mga larong ito ang nag-uugnay sa mga kabataan kahit sa umpisa ay hindi sila magkakaibigan o magkakakilala. Subalit, nakalulungkot malaman na sa kasalukuyan ay unti-onting nang nawawala ang larong Pinoy na ito dahil sa modernisasyon. Dulot ng modernisasyon ay mga larong masayang laruin nang mag-isa. Ang mga larong ito ay mas komportableng nilalaro sa loob ng bahay. Samakatuwid ay nawawala ang mga pagkakataon para sa mga bata na makipag-ugnayan sa ibang mga bata. Ang mga bata ngayon ay nakatutok na lamang sa iba’t-ibang gadgets katulad ng iPad, tablet, smartphones at iba pa. Sa kabila ng modernisasyon, may mga bata pa rin na naglalaro ng mga larong Pinoy kaso ito ay kakaunti na lamang.
Dapat maayos at mas detalyado na tinatalakay ang mga larong Pilipino at ang mga isyu na kasama nito para hindi mawala at makalimutan ang isang bahagi ng ating kasaysayan at kultura bilang mga Pilipino. Mabuti rin kung magkaroon pa ng iba pang mga workshop tulad nito upang mapadama ang saya o karanasang walang katulad at masayang ginugunita ng mga bata paglaki. Hindi lang iyon, maganda rin kung lalo mabigyan ng diin ang kabutihan ng paglaro ng mga larong Pilipino sa mga kabataan para mapagtanto nila ang mga ito at gawin ito muli.
Upang magawa ang pagbigyang-diin na isinabi sa taas, maaring gumawa pa ng mas maraming programa ang departamento sa gobyerno sa pagpalaganap ng mga larong ito sa mga paaralan. Ang mga organisasyon gaya ng Department of Education at National Commision for Culture and the Arts ay maaring magtulungan upang maipadama ang mga larong ito sa iba't ibang sulok ng Pilipinas, upang maipreserba ang mga ito at maranas ng kabataang Pilipino.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento